Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

iba yun immaturity sa wlang pakialam. sa pgkaka intindi ko, wla tlga sya paki sayo kasi mas priority nya pra sa motor nya. woa kang future jan.

Grabe naman yan! Kung ano mangyayari sa baby nyo mas malaki gastos yun (wag naman sana). Mas mabuti na monitored yung kalagayan ng baby.

Hiwalayan mo na yan, momsh. Wala yang concern sainyo. Selfish bastard! Yung motor nya kamo yung ihele nya and padedehin niya. 😡

Naku nmn bkit ganun paano n qng manganganak kna sorry ah parang ngayon plng nppabyaan kna..kauspin m xia mahirap magbuntis..

iwan mo na yan . Jusko . baka mamatay ka ng maaga sa stress . 26 na siya irresponsible pa din .. RUN FOR YOUR LIFE MAMSH

Tsk tsk starting pa yan mamsh ipag dasal mo nalang na magbago siya. Nakakainis talagang ganyan na lalaki mga selfish.

mommy kung di sya ganun kasupportive.Ikw nalang po mommy maghanap ng paraan na maging healthy kayo ni baby.

Sa fabella, libre check up. Mga lab test dun, pde po ipasok sa charity para wala ka ng bayaran.

Thành viên VIP

Para sa anak mo mamsh wag mo na sya hintayin. Gawa ka nlng paraan para mairaos mo si baby.

Thankyou po sa mga Concerns and Advice. Kahit papano nakapag labas ako ng sama ng loob