Taga Laba

8 months na po tiyan ko at ako pa rin po palagi ang naglalaba. wala pong washing machine kaya mano mano lang. pag nangangalay na balakang ko na nkaupo minsan iniiwan ko muna ung labahan at pahinga konti. Na experience niyo din po ba na kayo pa rin naglalaba kahit malaki na tiyan niyo?

182 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mummy bakit po ikaw, may asawa po ba kayo if wala baka mayroon maari makatulong sayo.. Tayo kasi mga buntis limited nalang ang energy natin.. Sana po mayroon nmn mag assist sa iyo.. Sa amin nmn po kain tulog lang ako.. Kanina nag luto ako ng itlog hiningal na.. Madali mapagod..

Opo. Pero nakatayo po ako naglalaba, sa may lababo po namin since malaki at malawak naman po yung espasyo. Ganun din po nasakit din balakang pero nagpapahinga din po ako agad kapag nakakarmdm ng pananakit at pagod. Normal ko naman po naisilang baby ko po. 10months na po sya ngayon.

Thành viên VIP

Naglalaba pa din ako pero may washing machine pero ung pagbabanlaw mano mano so ginagawa ko nakapatong sa mtaas ung planggana lahat tas nakaupo ako sa stool para hindi aq nakabukaka sa mababang upuan.. kase masakit xa sa puson at balakang pag mababa ..try mo gawen un momsh

Thành viên VIP

Yes momsh na experience ko din yan kasi kami lang naman ni hubby lahat... Tama ka naman dapat wag mu pipilitin kapag ngawit ka na, mag rest ka. Better kung konti-konti lang muna sa quantity. Tapos yung mga mabibigat like jeans and bedsheets patulong ka na kay Hubby 😉

Yes po, ako po nkikitira lng s parents ko papa at kapatid ko lng ksama ko dto kya ung damit nmin ng panganay ko ako naglalaba pti damit ng mister ko ako din, okay lng nman po un wag lng masyado maiipit ung tyan mo po ska pahinga nlng pag medyo masakit na sa balakang

ung kapatid ko po aanak na ng lalaba pa depende din po sa katawan nio kung ndi po kaya wag po pilitin ..ung kkapatid ko po sobrang lakas kht aanak n ng lalaba pa tpos nung nanganak n po sia maa napadali dw po sia ... ewan ko b depende din ata sa ktawan ng buntis

yes po pero may washing machine... kahit nun malapit n ko manganak.. ang hirap kase pag ndi ka sanay na nakahiga or naka upo lamg tapos may nakikita ka pwd gawin.. pero better po kng walang washing machine wag kan mag laba kase baka po ma stress si baby.

Yes, lahat ng gawaing bahay nagagawa ko pa until due date ko mismo😊 I also have a 3 yr old son to look after while I was pregnant. Im just blessed na hindi ako maselan magbuntis. I have a quite active preggy lifestyle for both of my pregnancies

Thành viên VIP

ako po hanggang 9months naglalaba, mano-mano. ganon din asawa ng mga pinsan ko, wala naman masama don. maganda pa nga kasi nababatak katawan mo. wag lang sobrang dami tas wag kaipitin ang tyan. ako non nakatayo maglaba e, nagmamop pa nga ng sahig

Hindi po, nag aaway po kami ng mister q kapag nalaman nya na naglaba aq.. Pero naglalaba padin po aq kahit kaunti, i just make sure na hindi ko pinapagod ang sarili ko, mabigat na gawain po kc paglalaba pag nakaramdam ng pagod hinto na muna...